Sunday, May 10, 2009

LCDCamp: UnMe

may 3-9. grabe. grabe. grabe. sobrang daming nangyari. hindi lang hangover ang meron sa 'kin ngayon. my life is changed na naman. :)

nagkita-kita kami sa may parking lot sa The Block. nung una kong nakita mga tao, ang weird ng feeling. nafeel ko na camp talaga siya kasi wala akong kilalang tao. haha. nagpakaloner pa ako nung first day tapos di ko kinakausap mga cabin mates ko :)) meron naman akong ilang kilalang tao dun like yung mga pisay alumni, kuya pito, kuya jon. kuya jerome at ate shayne. :) tapos kasama ko rin pala dela paz siblings.

nung second day yung nagkakilala talaga kaming girls dahil sa banquet night. :> :)) haha dami naming assumptions kasi nagdatingan yung mga stalker stuff galing sa boys. "IKAW BA SI PIKACHU, KASI I CHOOSE YOU." :)) *ahemKRISTINEahem* tapos turns out na may dalawang guy partners ang girls at tinuruan sila ng mga kuya counselors na mangharana. :)) ang cool. partners ko si cedie na nung afternoon ko lang nakilala at si christian na nung night ko lang na yun nakita :)) astig ng getting to know you. :D at lesson for the day, gift ni Lord ang sexuality at sex. :D

may small group pala kami. SG6 ako. kuya pito at ate joan counselors namin. tapos miss ko na sgmates ko: alvin, jairus at michael. yeah. ako lang ang babae :)) dami kong natutunan sa kanila. sobrang disappointing dahil di ko sila nakilala ng lubos. D: nagpromise nga pala ako kay alvin na susulatan ko siya haha. :) at ang cuuute ng SG picture namin :>

tapos recreation team! haha kami ang T4H or TRANSFORM 4 HIM. :D haha *owaowaachuchuachuchu* cheerleading nung first recreation. yeah. nagfirstplace kami with team Gala. :)) nung second day yung astig. may obstacles. 10 stations. electric fence na kelangan makapunta from one side to another lahat ng members through maliit na square. yung duck walk na pinatay yung leg muscles ko. recite ng Bible verses. at yung pinakaastig, slide sa mud =)) wee sobrang naputikan talaga ako nun na akala mo lupa yung damit ko. sobrang saya. and kami pala ang pinakamabilis na nakatapos ng 8 (or 9?) stations. haha. last day naman nagfamily feud kami. *TOP 5 REASONS KUNG BAKIT HINDI NAGPAPAGUPIT SI KUYA EHCO* hahaha. and yeah, first place uli kami dun =)) kaya naman meron kaming gift check na p250 na pinambili ng soft drinks. :))

missions night naman nagmuslim costume kami :D grabe. may racial discrimination talaga. tapos natutunan ko na hindi naman dapat kaawaan yung mga muslim na nakalong skirt. at least may hiya sila. hindi kagaya nung mga babaeng nagmimini skirt. tapos yung dinner namin sa banana leaf tapos kami girls yung mga nagserve. ang gandang experience ng muslim culture. :D at nainspire ako magmission :D

every morning nagigising ako ng before 6am para maligo. every meal may pakulo yung isang small group na server. *BUMBERO! PAHINGI NG TUBIG! MAGSASAKA! PAHINGI NG KANIN!*. every breakfast may QT sharing at memory verse *ahemKUYAJONAHahem* after breakfast may workperiod. isang araw nakapaglinis ako ng apat na cubicles ng comfort rooms :)) every after lunch may siesta na maingay pa rin. every night may cabin sharing, then quiet time :D

pinakamemorable experience yung last days. :D grabe yung tama sken nung nagwashing of feet kami. gawin natin sa iba yung ginawa sa atin ni Jesus na paghuhugas ng paa (not literally.) tapos yung final challenge na pinaiyak talaga kaming lahat. O_O sobrang dami pang nangyari na sobraaaang sayaaa. ang hirap imention lahat. tapos nung last night pala nagconfession yung mga girls :)) *SINONG NAAAPPRECIATE MO SA CAMP?* balita ko pati boys nagganun ah. :> =)) tapos ang saya nung pauwi na sa bus :))

basta, ang dami kong nashare sa iba. ang daming nashare sken. grabe yung expositions ni Ptr. Noli na sapul talaga sa puso. di ko makakalimutan yung mga small group activities na sobrang tinuruan ako. pati yung mga sessions na sobrang applicable sa buhay. at yung mga skits ng mga counselors na talagang nakaktouch ng puso *KUYA PITO*

sa camp na 'to naremind ako na si God ang Lord and Savior ko. sobrang nainlove uli ako sa Kanya at binibigay ko na sa Kanya ang control sa buhay ko :) i pray na magpatuloy ako sa paggrow at sana hindi ko kalimutan at magamit ko ang mga natutunan ko.

miss ko na cabinmates kooooo. kristine, jaecelle, erica, ate joan, ate jaja, ate bjo. tapos sgmateeees. recreation teammates. counselooooors and staff and YANA and SAMMY... lahat ng campeeeers. :D :D

hold me now at 2:26:00 PM
0 replies
i knew i love you before i met you

your only

love of your life
til death do us apart
be my first ... be my last
can we keep it a hush?

my loves

flowers
chocolates
your sweet talks

Friends

DLH-folio

Those Days

Tagboard